Dawah Info

Alhamdulillahi Rab-bil A'alamin. Was salatu was salam ala ashrafil mursalin sayid-dina Muhammad wa ala aa-lihi wa as-habihi ijmain.

Ang lahat ng parangal, papuri, pagdakila ay para lamang sa Nag-iisang Tunay na Diyos na Tagapaglikha, sa Allaah. Ang kapayapaan at proteksiyon nawa ay mapasa huling Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) sa kanyang pamilya, sa lahat ng kanyang kasamahan, kapanalig at sa lahat ng magsisikampi hanggang sa huling araw.

Ang website na ito ay napahintulutang maisakatuparan ng Allaah upang mabigyan ng linaw at kapaliwanagan ang mga maling kaisipan, kuro-kuro o pagkaunawa ukol sa pananampalatayang Islam. 

Nawa'y sa pamamagitan ng website na ito sa kapahintulutan ng Allaah ay magabayan ang mga taong naghahanap ng tunay na katotohanan tungo sa nag-iisang tunay na relihiyon o paniniwala na magsisilbing panuntunan ng kanilang buhay sa pagtahak nila dito sa mundong ibabaw.

Ang mga bagay na nakapaloob po dito ay hindi ipinipilit o pwersahang igigiit na inyong paniwalaan. Bawa't tao ay napagkalooban ng isang matalinong pag-iisip upang maging timbangan ng tama at mali. Wala namang mawawala kung inyo itong mapagtutuunan ng konting pansin o pagtingin, bagkus karagdagang kaalaman ang sa inyo'y maisasalin.

Nawa'y gabayan po tayong lahat patungo sa matuwid at tumpak. Iwasan po nating magmataas sa katotohanan. Lagi po nating pakatatandaan, ang nagmamalaki ay ibababa nang pagkababa-baba at ang nagpapakumbaba, sila naman ang iaangat at itataas.